"Pare pautang ng bente."
Marami ang nagsasabing ang kaibigan ay yung hindi na kailangan pilitin pa para lang mangutang. Pero sakin ang tunay na kaibigan, yung magpapautang kahit na alam na hindi talaga babayaran nung kaibigan yung inutang. (basta't hindi naman ganun ka-laki) Hindi mo man mapapansin, sa ibang paraan babawi ang kaibigan mong yun.
Maraming tipo ng kaibigan. May mga tambay lang, meron namang pang party lang, at yung da best sa lahat, yung all around. Yung tipong pag-walang pera, kwek-kwek at yosi lang, solve na! Subukan mong isama ang party exclusive friend sa pares-an, para kang nagdala ng baong adobo at kinain mo sa starbucks!
Ang mga tunay na kaibigan ay ang tipong masasabihan mo sa telepono na najejebs ka kaya mamaya na kayo magusap. Ang tunay na kaibigan ay yung narinig at naamoy mo na ang utot niya. Ang tunay na kaibigan ay yung tipong pagnabanggit mo sa pamilya mo na kasama mo siya, kahit hindi na magpaalam ay papayagan ka. Ang tunay na kaibigan ay pagnakwento mo ang lakad niyo sa mga magulang mo, ang itatanong nila, kamusta na siya?
"Sige lang pare, eto o."