Tuesday, July 27, 2010

Better late than later.


FILIPINO TIME REINVENTED
(Ang tanong: Nasaan ka na?)

SAGOT : IBIG SABIHIN

Maliligo na : Magffacebook muna
Kakatapos lang maligo : Kakalog-out lang/ Turn off ng PC
Papunta na : Naliligo na
Malapit na : Kakaalis pa lang ng bahay
Nandito na ako,
nasaan ka?
Di ko kayo mahanap. : Malapit na
Kanina pa ako nandito : Kakarating lang



Saturday, July 24, 2010

Bagong Payo

Pag gusto, bigyan. Pag ayaw... Pagbigyan.

Ito ay isa sa mga kasabihang aking pinaniniwalaan ngayong panahon. Isa ito sa mga dapat alalahanin ng mga tunay na kaibigan. Kung gusto uminom ng kaibigan mo dahil problemado siya, sige lang. Gusto mo man siya pigilan dahil sa alam mong makakasama ito sa kanya, wag. Ang isang pagkakamali ay hindi dapat nililiko ng tamang direksyon ng kaibigan, ito'y napagtatanto ng isang tao. Masasabi lang na isang pagkakamali ang isang aksyon o pangyayari kung ito'y aaminin ng tao sa kanyang sarili. Maari mo namang pagsabihan ang kaibigan mo ngunit, nararapat na samahan mo pa rin siya kung kaya mo. Siya pa rin naman ang magdadaan sa problema niya at siya rin ang magdadaan sa kung ano man ang gusto niya gawin. Sabi nga sa pelikulang Matrix.

"I can only show you the door, you're the one who has to walk through it."

Wednesday, May 19, 2010

Malabo

Ikaw na nga tong tumutulong, ikaw pa tong masama.

Lalapitan ka lang naman niyan pag may problema sila eh. Pagmasaya, wala nang pakialam.

Nakakasawa na rin tumulong, kasi ang mga tao ayaw nasasabihan ng mga pagkakamali nila. Hindi matanggap sa sarili at hindi kayang panindigan ang mga pinaggagawa nila.

Tuesday, May 18, 2010

Pagbabago

Sabi nga nila, "change is the only thing that is constant in this world."

Madalas marinig sa mga taong namromroblema sa buhay pag-ibig ang mga salitang,

"paano niya nagawa sa akin to?"

Sa kung anomang "baka yung nga ang dahilan" na maisip mo, isa lang ang sigurado.

Siya'y nagbago.

Nagbago mula nung una kayong nagkakilala. Nagbago ng prinsipyo sa buhay. Nagbago ng pagtingin sa iyo. Nagbago.

Kung iyong iisipin, madalas ang pagbabago ay pansarili. Marahil ikaw ay nagbabago para sa iyong kasama pero yun ay para sumaya siya, siyang nagpapasaya sayo. Sa huli, ikaw rin talaga ang pinapasaya mo sa pinili mong pagbabago. Wag mong lolokohin ang sarili mo na siya ang pinapasaya mo dahil hindi totoo yun.

Masasabi ng ilan na "hindi siya nagbago, ganun na talaga siya dati pa at niloko niya lang ako." Di man madaling makita ngunit sila'y nagbago pa rin, nagbago nang maisipan nilang lokohin ka, o di kaya nagbago nang ipakita na ang tunay nilang kulay.

Thursday, May 13, 2010

Ang kaibigang tunay... nangdadamay

Ito ang mga salitang aking napagtanto nakaraan lamang. Pero naisip mo na ba kung hanggang saan mo dadamayan o kakampihan ang kaibigan mo? Naniniwala ako na pwede mong ipaunawa sa iyong kaibigan ang mga payo mo pero wag na wag mo dapat silang bawalan sa mga bagay na gusto nila gawin. (wag lang malalang droga at pisikal na pananakit sa sarili aka emo much) Paano kung ikaw ay nasa sitwasyong mali ang ginagawa ng mga kaibigan mo? (na hindi pa rin droga at pananakit sa sarili.) dadamayan mo pa rin ba siya? o ikaw na ang magpapakamasama pero hindi mo rin naman masisigurado kung makakabuti pa ang gagawin mo o magtutulak lang ito na ipagpatuloy lang ang ginagawa nila?

Friday, April 9, 2010

Tunay na kaibigan

"Pare pautang ng bente."

Marami ang nagsasabing ang kaibigan ay yung hindi na kailangan pilitin pa para lang mangutang. Pero sakin ang tunay na kaibigan, yung magpapautang kahit na alam na hindi talaga babayaran nung kaibigan yung inutang. (basta't hindi naman ganun ka-laki) Hindi mo man mapapansin, sa ibang paraan babawi ang kaibigan mong yun.

Maraming tipo ng kaibigan. May mga tambay lang, meron namang pang party lang, at yung da best sa lahat, yung all around. Yung tipong pag-walang pera, kwek-kwek at yosi lang, solve na! Subukan mong isama ang party exclusive friend sa pares-an, para kang nagdala ng baong adobo at kinain mo sa starbucks!

Ang mga tunay na kaibigan ay ang tipong masasabihan mo sa telepono na najejebs ka kaya mamaya na kayo magusap. Ang tunay na kaibigan ay yung narinig at naamoy mo na ang utot niya. Ang tunay na kaibigan ay yung tipong pagnabanggit mo sa pamilya mo na kasama mo siya, kahit hindi na magpaalam ay papayagan ka. Ang tunay na kaibigan ay pagnakwento mo ang lakad niyo sa mga magulang mo, ang itatanong nila, kamusta na siya?

"Sige lang pare, eto o."