Thursday, April 23, 2009

Don't close the book just yet

May mga pagkakataon na sa pagbasa mo ng libro, hindi mo ito maibaba galing sa mga kamay mo, walang makakakapagpigil sayo sa pagbasa. Ito ma'y ang puputok mo nang pantog o ang nanay mong sumisigaw ng "kakain na!" Ang mga ganitong parte ng storya ang tipong paulit ulit mong binabasa at nagmumukha ka nang tanga sa harap ng kapatid mong nakikita kang tumatawa o kinikilig magisa.

Pero kahit ilang ulit kang manatili sa pahinang iyon, kinakailangan mo nang lumipat sa susunod na pahina at ituloy ang storya.. di naman mawawala yung mga pahinang yun diba?

Tuesday, April 21, 2009

Thoughts

I was googling some jokes in the internet and i came across this sayings.

Ang pagmamahal..

"..parang elevator lang yan eh, bakit mo isisiksik ang sarili mo kung wala nang pwesto para sayo.. eh meron namang hagdan, ayaw mo lang pansinin." - bob ong

then someone else wrote..

"mapuno man ang elevator, sigurado namang babalik ito.. at darating din ang panahon na makakasakay rin ako." - juan tamad

The question for bob ong is this, would you be willing to sacrifice the elevator and go through so much hardship with the stairs just to get to the top?

And for juan tamad, how long are you going to wait? will there ever be such a time?

"walang punong elevator sa isang taong kailangan maka-akyat." - kash